Paano Malalaman Kung Skeptic o Closed Minded Ang Isang Prospect?
Do you always find yourself trying to convince your prospects to join your business? Tapos, ang madalas na ending pa ay hindi pa rin nagjoin? For sure nangyari na rin sayo yun.
So paano nga ba malalaman kung Skeptic o Closed Minded ang isang prospect para hindi na masayang time & effort mo.
I won’t explain it na lang, mas maganda kung magbibigay na lang ako ng examples para mas madali natin maintindihan ang pagkaka-iba nila.
Skeptic: “Legal ba talaga yan? May mga narinig na kasi ako dati na scam daw yung ganyan.”
Closed Minded: “Scam yan! Alam ko na yan! Nabalita na yan sa news dati! Scam yan!”
Skeptic: “Totoo ba yung mga kumikita ng malaki sa negosyo na yan?”
Closed Minded: “Kalokohan yan! Kapag nagjoin ako, kikita kayo diba! Hindi niyo ko maloloko!”
Skeptic: “May kaibigan ako na nagjoin na dyan dati, pero hindi naman daw siya kumita. Baka hindi rin ako kumita dyan?”
Closed Minded: “Nagjoin yung barkada ko dyan, pero hindi naman siya kumita kaya hinding hindi din ako magjojoin sa kalokohan na yan!”
Skeptic: “Kumikita ka na rin ba dyan?”
Closed Minded: “Sige nga, pakita mo nga sakin kung gaano kalaki ang kita mo dyan!”
Skeptic: “Madami na kong narinig na mlm companies na nagsarado na. Paano mo nasabing stable yang company na ino-offer mo?”
Closed Minded: “Madami nang nagsaradong mlm companies. Siguradong magsasarado din yan dahil pare-pareho lang naman ang mga yan!”
And the list goes on and on. Pero at least mas naiintindihan mo na ngayon kung ano ang pinagka-iba nila. I’m also sure, may mga na-encounter ka na rin tulad sa mga examples na binigay ko. Lagi mo lang tatandaan, mas magandang makipag-partner sa isang positive na tao kesa sa isang nagmamagaling lang.
Kaya I suggest na salain mo rin mga prospects mo para hindi masayang time & effort mo.
Kapag nakita mong Closed Minded ang prospect mo, wag mo nang patulan dahil kahit ano pang explanations ang gawin mo, kahit may proof ka pang ipakita, hinding hindi yan magpapatalo sayo at hindi yan magbababa ng pride para mag-agree sayo.
Pero kapag Skeptic ang prospect mo, you can still push it a little further dahil kapag nasagot mo ng tama ang questions niya at kapag napakita mo sa kanya na magiging malaking tulong para sa kanya ang offer mo, he/she will be your business partner! =)
Good Luck My Fellow Networkers. Let’s all be successful in network marketing. =)
Did This Blog Help You? If so, If they did please do me a favor and share them with someone who this could benefit from it. I would greatly appreciate if you Like my Facebook Page and join our Inquiry Group. I’ll be glad share my opinion, strategies and techniques in order for me to help you in some ways. Good Luck!
Your Friend in Success,